Josue 7

Sinabi ni Josue kay Acan, “Anak, parangalan mo ang Panginoon, ang Diyos ng Israel; magsabi ka ng totoo sa harapan niya. Ano ang ginawa mo? Huwag mo itong ilihim sa akin.”

Joshua 7:19 (UKJV) And Joshua said unto Achan, My son, give, I pray you, glory to the LORD God of Israel, and make confession unto him; and tell me now what you have done; hide it not from me.

17Pinalapit ang lahi ni Juda, at napili ang angkan ni Zera. Pinalapit ang angkan ni Zera at napili ang pamilya ni Zabdi.

18Pinalapit ang pamilya ni Zabdi at napili si Acan. (Si Acan ay anak ni Carmi. Si Carmi ay anak ni Zabdi. At si Zabdi ay anak ni Zera na mula sa angkan ni Juda.)

19Sinabi ni Josue kay Acan, “Anak, parangalan mo ang Panginoon, ang Diyos ng Israel; magsabi ka ng totoo sa harapan niya. Ano ang ginawa mo? Huwag mo itong ilihim sa akin.”

20Sumagot si Acan, “Totoong nagkasala ako sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Ito po ang ginawa ko:

21Sa mga bagay na nasamsam natin, may nakita akong isang magandang damit na mula sa Babilonia, pilak na mga dalawang kiloʼt kalahati at isang baretang ginto na may bigat na kalahating kilo. Naakit ako sa mga ito, kaya kinuha ko. Ibinaon ko ito sa lupa sa loob ng tolda ko. Ang pilak ang nasa pinakailalim.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.