1Ngunit nilabag ng mga Israelita ang utos na huwag kumuha ng mga bagay na dapat wasakin bilang handog sa Panginoon. Kumuha si Acan ng mga bagay na hindi dapat kunin, kaya matindi ang galit ng Panginoon sa kanila. Si Acan ay anak ni Carmi. Si Carmi ay anak ni Zabdi. Si Zabdi ay anak ni Zera. Nagmula sila sa lahi ni Juda.
2Mula sa Jerico, may mga lalaking inutusan si Josue para magmanman sa Ai, isang lungsod sa silangan ng Betel, na malapit sa Bet-aven. Kaya umalis ang mga ito at nag-espiya sa Ai.
3Pagbalik nila, sinabi nila kay Josue, “Hindi kailangang lumusob tayong lahat sa Ai, dahil kaunti lang naman ang mga naninirahan doon. Magpadala ka lang ng dalawang libo o kayaʼy tatlong libong tao para lumusob doon.”
4Kaya tatlong libong Israelita ang lumusob sa Ai, pero napaatras sila ng mga taga-Ai.