4Kaya tatlong libong Israelita ang lumusob sa Ai, pero napaatras sila ng mga taga-Ai.
5Hinabol sila mula sa pintuan ng lungsod hanggang sa Shebarim, at tatlumpuʼt anim ang napatay sa kanila habang bumababa sila sa kabundukan. Kaya naduwag at natakot ang mga Israelita.
6Dahil sa lungkot, pinunit ni Josue at ng mga tagapamahala ng Israel ang mga damit nila, at nilagyan ng alikabok ang mga ulo nila, at nagpatirapa sila sa harapan ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon hanggang sa gumabi.
7Sinabi ni Josue, “O Makapangyarihang Panginoon, bakit nʼyo pa po kami pinatawid sa Ilog Jordan kung ipapatalo nʼyo rin lang naman kami sa mga Amoreo? Mabuti pang nanatili na lang kami sa kabila ng Jordan.
8Panginoon, ano po ang sasabihin ko, ngayong umurong na ang mga Israelita sa mga kalaban nila?