Judas 1

Sinabi nila, “Sa mga huling araw, magkakaroon ng mga taong mapanlait na ang tanging sinusunod ay ang masasama nilang pagnanasa.”

Jude 1:18 (UKJV) How that they told you there should be mockers in the last time, who should walk after their own ungodly lusts.

16Ang mga taong itoʼy mareklamo, mapamintas, at ang tanging sinusunod ay ang kanilang pagnanasa. Mayabang silang magsalita at mahusay mambola para makuha ang gusto nila.

17Ngunit, mga minamahal, alalahanin nʼyo ang sinabi noon ng mga apostol ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

18Sinabi nila, “Sa mga huling araw, magkakaroon ng mga taong mapanlait na ang tanging sinusunod ay ang masasama nilang pagnanasa.”

19Sila ang mga taong gumagawa ng paraan upang magkawatak-watak ang inyong samahan. Makamundo sila, at wala sa kanila ang Espiritu.

20Ngunit kayo, mga minamahal, lalo pa ninyong patatagin ang inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.