Judas 1

Ngunit kayo, mga minamahal, lalo pa ninyong patatagin ang inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu,

Jude 1:20 (UKJV) But all of you, beloved, building up yourselves on your most holy faith, praying in the Holy Spirit,

18Sinabi nila, “Sa mga huling araw, magkakaroon ng mga taong mapanlait na ang tanging sinusunod ay ang masasama nilang pagnanasa.”

19Sila ang mga taong gumagawa ng paraan upang magkawatak-watak ang inyong samahan. Makamundo sila, at wala sa kanila ang Espiritu.

20Ngunit kayo, mga minamahal, lalo pa ninyong patatagin ang inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu,

21at manatili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ang buhay na walang hanggan na ipagkakaloob ng ating Panginoong Hesu-Kristo dahil sa kanyang habag sa atin.

22Mahabag kayo sa mga nag-aalinlangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.