Judas 1

at manatili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ang buhay na walang hanggan na ipagkakaloob ng ating Panginoong Hesu-Kristo dahil sa kanyang habag sa atin.

Jude 1:21 (UKJV) Keep yourselves in the love of God, looking for the mercy of our Lord Jesus Christ unto eternal life.

19Sila ang mga taong gumagawa ng paraan upang magkawatak-watak ang inyong samahan. Makamundo sila, at wala sa kanila ang Espiritu.

20Ngunit kayo, mga minamahal, lalo pa ninyong patatagin ang inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu,

21at manatili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ang buhay na walang hanggan na ipagkakaloob ng ating Panginoong Hesu-Kristo dahil sa kanyang habag sa atin.

22Mahabag kayo sa mga nag-aalinlangan.

23Iligtas ninyo ang iba sa kaparusahan na para bang sinasagip ninyo sila mula sa apoy. Kahabagan ninyo ang iba nang may takot, kasuklaman ninyo maging ang damit na nabahiran ng kahalayan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.