Judas 1

Sila ang mga taong gumagawa ng paraan upang magkawatak-watak ang inyong samahan. Makamundo sila, at wala sa kanila ang Espiritu.

Jude 1:19 (UKJV) These be they who separate themselves, sensual, having not the Spirit.

17Ngunit, mga minamahal, alalahanin nʼyo ang sinabi noon ng mga apostol ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

18Sinabi nila, “Sa mga huling araw, magkakaroon ng mga taong mapanlait na ang tanging sinusunod ay ang masasama nilang pagnanasa.”

19Sila ang mga taong gumagawa ng paraan upang magkawatak-watak ang inyong samahan. Makamundo sila, at wala sa kanila ang Espiritu.

20Ngunit kayo, mga minamahal, lalo pa ninyong patatagin ang inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu,

21at manatili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ang buhay na walang hanggan na ipagkakaloob ng ating Panginoong Hesu-Kristo dahil sa kanyang habag sa atin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.