11Mula sa Hebron, nilusob naman nila ang mga nakatira sa Debir (na nooʼy tinatawag na Kiriat-sefer).
12Sinabi ni Caleb, “Ibibigay ko bilang asawa ang anak kong si Acsa sa lalaking makakasakop sa Kiriat-sefer.”
13Si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb ang nakaagaw sa lungsod. Kaya sa kanya ibinigay ni Caleb ang anak niyang si Acsa upang maging asawa.
14Nang ikinasal na sila, hinikayat ni Acsa ang asawa niya na humingi sila ng dagdag na lupain sa ama nito. Pagkatapos, pumunta si Acsa kay Caleb, at nang makababa na siya sa kanyang asno, tinanong siya ni Caleb kung ano ang kailangan niya.
15Sumagot si Acsa, “Hihingi po sana ako ng pabor sa inyo. Sapagkat binigyan nʼyo ako ng lupain sa Negeb, kung maari ay bigyan nʼyo rin ako ng lupaing may mga bukal.” Kaya ibinigay sa kanya ni Caleb ang lugar na may mga bukal sa itaas at sa ibaba ng Negeb.