30Hindi rin itinaboy ng lahi ni Zebulun ang mga Cananeo na naninirahan sa mga lungsod ng Kitron at Nahalol. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila. Ngunit pinilit silang magtrabaho para sa kanila.
31Hindi rin itinaboy ng lahi ni Asher ang mga nakatira sa Acco, Sidon, Ahlab, Aczib, Helba, Afec at Rehob.
32Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo doon kasama ng lahi ni Aser dahil hindi nila sila pinaalis.
33Hindi rin itinaboy ng lahi ni Neftali ang mga nakatira sa Bet-semes at Bet-anat. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama ng lahi ni Neftali. Ngunit pinilit silang magtrabaho para sa kanila.
34Hindi naman pinahintulutan ng mga Amoreo na tumira sa kapatagan ang mga lahi ni Dan, kaya nanatili na lamang sila sa kaburulan.