Mga Hukom 1

Hindi rin itinaboy ng lahi ni Neftali ang mga nakatira sa Bet-semes at Bet-anat. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama ng lahi ni Neftali. Ngunit pinilit silang magtrabaho para sa kanila.

Judges 1:33 (UKJV) Neither did Naphtali drive out the inhabitants of Bethshemesh, nor the inhabitants of Bethanath; but he dwelt among the Canaanites, the inhabitants of the land: nevertheless the inhabitants of Bethshemesh and of Bethanath became tributaries unto them.

31Hindi rin itinaboy ng lahi ni Asher ang mga nakatira sa Acco, Sidon, Ahlab, Aczib, Helba, Afec at Rehob.

32Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo doon kasama ng lahi ni Aser dahil hindi nila sila pinaalis.

33Hindi rin itinaboy ng lahi ni Neftali ang mga nakatira sa Bet-semes at Bet-anat. Kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama ng lahi ni Neftali. Ngunit pinilit silang magtrabaho para sa kanila.

34Hindi naman pinahintulutan ng mga Amoreo na tumira sa kapatagan ang mga lahi ni Dan, kaya nanatili na lamang sila sa kaburulan.

35Determinado ang mga Amoreo na manatili sa Bundok ng Heres, Ayalon at Saalbim. Ngunit nang lumakas ang kapangyarihan ng mga angkan ni Jose, pinilit nila ang mga Amoreo na magtrabaho para sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.