Mga Hukom 10

Sidoneo, Amalekita at mga Maon, humingi kayo ng tulong sa akin at iniligtas ko kayo?

Judges 10:12 (UKJV) The Zidonians also, and the Amalekites, and the Maonites, did oppress you; and all of you cried to me, and I delivered you out of their hand.

10Kaya humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon. Sinabi nila, “Nagkasala po kami laban sa inyo, dahil tumalikod kami sa inyo na aming Diyos at sumamba sa mga imahen ni Baal.”

11Sumagot ang Panginoon, “Hindi baʼt noong pinahirapan kayo ng mga Ehipsiyo, Amoreo, Amonita, Filisteo,

12Sidoneo, Amalekita at mga Maon, humingi kayo ng tulong sa akin at iniligtas ko kayo?

13Ngunit tumalikod kayo sa akin at sumamba sa ibang mga diyos. Kaya ngayon hindi ko na kayo ililigtas.

14Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa mga diyos na pinili ninyong sambahin? Sila na lang ang magligtas sa inyo sa oras ng inyong kagipitan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.