12Sidoneo, Amalekita at mga Maon, humingi kayo ng tulong sa akin at iniligtas ko kayo?
13Ngunit tumalikod kayo sa akin at sumamba sa ibang mga diyos. Kaya ngayon hindi ko na kayo ililigtas.
14Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa mga diyos na pinili ninyong sambahin? Sila na lang ang magligtas sa inyo sa oras ng inyong kagipitan.”
15Ngunit sinabi nila sa Panginoon, “Nagkasala po kami sa inyo, kaya gawin nʼyo ang gusto nʼyong gawin sa amin. Ngunit maawa po kayo, iligtas nʼyo po kami ngayon.”
16Pagkatapos, itinakwil nila ang mga diyos-diyosan nila at sumamba sa Panginoon. Kinalaunan, hindi na matiis ng Panginoon na makita silang nahihirapan.