Mga Hukom 10

Pagkatapos, itinakwil nila ang mga diyos-diyosan nila at sumamba sa Panginoon. Kinalaunan, hindi na matiis ng Panginoon na makita silang nahihirapan.

Judges 10:16 (UKJV) And they put away the strange gods from among them, and served the LORD: and his soul was grieved for the misery of Israel.

14Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa mga diyos na pinili ninyong sambahin? Sila na lang ang magligtas sa inyo sa oras ng inyong kagipitan.”

15Ngunit sinabi nila sa Panginoon, “Nagkasala po kami sa inyo, kaya gawin nʼyo ang gusto nʼyong gawin sa amin. Ngunit maawa po kayo, iligtas nʼyo po kami ngayon.”

16Pagkatapos, itinakwil nila ang mga diyos-diyosan nila at sumamba sa Panginoon. Kinalaunan, hindi na matiis ng Panginoon na makita silang nahihirapan.

17Dumating ang araw na naglaban ang mga Amonita at mga Israelita. Nagkampo ang mga Amonita sa Gilead, at ang mga Israelita sa Mizpa.

18Nag-usap ang mga pinuno ng Gilead. Sinabi nila, “Kung sino ang mamumuno sa atin sa pakikipaglaban sa mga Amonita, siya ang gagawin nating pinuno sa lahat ng nakatira sa Gilead.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.