15Ngunit sinabi nila sa Panginoon, “Nagkasala po kami sa inyo, kaya gawin nʼyo ang gusto nʼyong gawin sa amin. Ngunit maawa po kayo, iligtas nʼyo po kami ngayon.”
16Pagkatapos, itinakwil nila ang mga diyos-diyosan nila at sumamba sa Panginoon. Kinalaunan, hindi na matiis ng Panginoon na makita silang nahihirapan.
17Dumating ang araw na naglaban ang mga Amonita at mga Israelita. Nagkampo ang mga Amonita sa Gilead, at ang mga Israelita sa Mizpa.
18Nag-usap ang mga pinuno ng Gilead. Sinabi nila, “Kung sino ang mamumuno sa atin sa pakikipaglaban sa mga Amonita, siya ang gagawin nating pinuno sa lahat ng nakatira sa Gilead.”