Mga Hukom 10

Ngunit sinabi nila sa Panginoon, “Nagkasala po kami sa inyo, kaya gawin nʼyo ang gusto nʼyong gawin sa amin. Ngunit maawa po kayo, iligtas nʼyo po kami ngayon.”

Judges 10:15 (UKJV) And the children of Israel said unto the LORD, We have sinned: do you unto us whatsoever seems good unto you; deliver us only, we pray you, this day.

13Ngunit tumalikod kayo sa akin at sumamba sa ibang mga diyos. Kaya ngayon hindi ko na kayo ililigtas.

14Bakit hindi kayo humingi ng tulong sa mga diyos na pinili ninyong sambahin? Sila na lang ang magligtas sa inyo sa oras ng inyong kagipitan.”

15Ngunit sinabi nila sa Panginoon, “Nagkasala po kami sa inyo, kaya gawin nʼyo ang gusto nʼyong gawin sa amin. Ngunit maawa po kayo, iligtas nʼyo po kami ngayon.”

16Pagkatapos, itinakwil nila ang mga diyos-diyosan nila at sumamba sa Panginoon. Kinalaunan, hindi na matiis ng Panginoon na makita silang nahihirapan.

17Dumating ang araw na naglaban ang mga Amonita at mga Israelita. Nagkampo ang mga Amonita sa Gilead, at ang mga Israelita sa Mizpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.