Mga Hukom 10

Nang mamatay si Jair, inilibing siya sa Camon.

Judges 10:5 (UKJV) And Jair died, and was buried in Camon.

3Sumunod kay Tola ay si Jair na taga-Gilead. Pinamunuan niya ang Israel sa loob ng dalawampuʼt dalawang taon.

4Mayroon siyang tatlumpung anak, at ang bawat isa sa kanilaʼy may asnong sinasakyan. Ang mga ito ang namamahala sa tatlumpung bayan sa Gilead na tinatawag ngayon na bayan ni Jair.

5Nang mamatay si Jair, inilibing siya sa Camon.

6Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon. Itinakwil nila ang Panginoon at sumamba sa mga imahen ni Baal at ni Astoret, at sa mga diyos-diyosan ng Aram, Sidon, Moab, Amon at Filisteo.

7Dahil dito, nagalit sa kanila ang Panginoon at pinasakop sila sa mga Amonita at mga Filisteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.