4Mayroon siyang tatlumpung anak, at ang bawat isa sa kanilaʼy may asnong sinasakyan. Ang mga ito ang namamahala sa tatlumpung bayan sa Gilead na tinatawag ngayon na bayan ni Jair.
5Nang mamatay si Jair, inilibing siya sa Camon.
6Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon. Itinakwil nila ang Panginoon at sumamba sa mga imahen ni Baal at ni Astoret, at sa mga diyos-diyosan ng Aram, Sidon, Moab, Amon at Filisteo.
7Dahil dito, nagalit sa kanila ang Panginoon at pinasakop sila sa mga Amonita at mga Filisteo.
8At sa taon ding iyon, pinagdusa at pinahirapan nila ang mga Israelita. Sa loob ng labingwalong taon, pinahirapan nila ang lahat ng mga Israelita sa Gilead, sa silangan ng Ilog Jordan na sakop noon ng mga Amoreo.