Mga Hukom 11

Sumagot sila, “Oo, ang Panginoon ang saksi natin. Siguradong gagawin namin ang sasabihin mo.”

Judges 11:10 (UKJV) And the elders of Gilead said unto Jephthah, The LORD be witness between us, if we do not so according to your words.

8Ngunit sinabi nila, “Kailangan ka namin. Sige na, sumáma ka sa amin sa pakikipaglaban sa mga Amonita at ikaw ang magiging pinuno sa Gilead.”

9Sumagot si Jefta, “Kung sasáma ako na lalaban sa mga Amonita at pagtagumpayin ako ng Panginoon, ako ba talaga ang gagawin nʼyong pinuno?”

10Sumagot sila, “Oo, ang Panginoon ang saksi natin. Siguradong gagawin namin ang sasabihin mo.”

11Kaya sumáma si Jefta sa kanila at ginawa siyang pinuno at kumander ng mga taga-Gilead. At doon sa Mizpa, sa presensya ng Panginoon, inulit ni Jefta ang mga pangako niya bilang pinuno.

12Nagsugo si Jefta ng mga mensahero upang itanong sa hari ng mga Amonita kung bakit nila nilulusob ang Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.