Mga Hukom 11

Sumagot si Jefta, “Kung sasáma ako na lalaban sa mga Amonita at pagtagumpayin ako ng Panginoon, ako ba talaga ang gagawin nʼyong pinuno?”

Judges 11:9 (UKJV) And Jephthah said unto the elders of Gilead, If all of you bring me home again to fight against the children of Ammon, and the LORD deliver them before me, shall I be your head?

7Ngunit sumagot si Jefta, “Hindi baʼt napopoot kayo sa akin at pinalayas nʼyo ako sa bahay ng aking ama? Ngayon na nasa kagipitan kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin?”

8Ngunit sinabi nila, “Kailangan ka namin. Sige na, sumáma ka sa amin sa pakikipaglaban sa mga Amonita at ikaw ang magiging pinuno sa Gilead.”

9Sumagot si Jefta, “Kung sasáma ako na lalaban sa mga Amonita at pagtagumpayin ako ng Panginoon, ako ba talaga ang gagawin nʼyong pinuno?”

10Sumagot sila, “Oo, ang Panginoon ang saksi natin. Siguradong gagawin namin ang sasabihin mo.”

11Kaya sumáma si Jefta sa kanila at ginawa siyang pinuno at kumander ng mga taga-Gilead. At doon sa Mizpa, sa presensya ng Panginoon, inulit ni Jefta ang mga pangako niya bilang pinuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.