Mga Hukom 11

Ngunit sumagot si Jefta, “Hindi baʼt napopoot kayo sa akin at pinalayas nʼyo ako sa bahay ng aking ama? Ngayon na nasa kagipitan kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin?”

Judges 11:7 (UKJV) And Jephthah said unto the elders of Gilead, Did not all of you hate me, and expel me out of my father's house? and why are all of you come unto me now when all of you are in distress?

5Dahil dito, pinuntahan ng mga tagapamahala ng Gilead si Jefta roon sa Tob.

6Sinabi nila, “Halikaʼt pamunuan mo kami sa pakikipaglaban namin sa mga Amonita.”

7Ngunit sumagot si Jefta, “Hindi baʼt napopoot kayo sa akin at pinalayas nʼyo ako sa bahay ng aking ama? Ngayon na nasa kagipitan kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin?”

8Ngunit sinabi nila, “Kailangan ka namin. Sige na, sumáma ka sa amin sa pakikipaglaban sa mga Amonita at ikaw ang magiging pinuno sa Gilead.”

9Sumagot si Jefta, “Kung sasáma ako na lalaban sa mga Amonita at pagtagumpayin ako ng Panginoon, ako ba talaga ang gagawin nʼyong pinuno?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.