Mga Hukom 11

Ngunit sinabi nila, “Kailangan ka namin. Sige na, sumáma ka sa amin sa pakikipaglaban sa mga Amonita at ikaw ang magiging pinuno sa Gilead.”

Judges 11:8 (UKJV) And the elders of Gilead said unto Jephthah, Therefore we return to you now, that you may go with us, and fight against the children of Ammon, and be our head over all the inhabitants of Gilead.

6Sinabi nila, “Halikaʼt pamunuan mo kami sa pakikipaglaban namin sa mga Amonita.”

7Ngunit sumagot si Jefta, “Hindi baʼt napopoot kayo sa akin at pinalayas nʼyo ako sa bahay ng aking ama? Ngayon na nasa kagipitan kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin?”

8Ngunit sinabi nila, “Kailangan ka namin. Sige na, sumáma ka sa amin sa pakikipaglaban sa mga Amonita at ikaw ang magiging pinuno sa Gilead.”

9Sumagot si Jefta, “Kung sasáma ako na lalaban sa mga Amonita at pagtagumpayin ako ng Panginoon, ako ba talaga ang gagawin nʼyong pinuno?”

10Sumagot sila, “Oo, ang Panginoon ang saksi natin. Siguradong gagawin namin ang sasabihin mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.