13Ito ang sagot ng hari ng mga Amonita sa mga mensahero ni Jefta: “Nang dumating ang mga Israelita mula sa Ehipto, sinakop nila ang mga lupain namin mula sa Ilog Arnon papunta sa Ilog Jaboc, hanggang sa Ilog Jordan. Kaya ngayon, ibalik nʼyo ito sa amin nang mapayapa.”
14Pinabalik ni Jefta ang mga mensahero sa hari ng mga Amonita
15para sabihin, “Ito ang sabi ni Jefta: Hindi namin sinakop ang lupain ng Moab o ng Amon.
16Nang umalis sa Ehipto ang aming mga ninuno, dumaan sila sa ilang papunta sa Dagat na Pula hanggang nakarating sila sa Kades.
17Pagkatapos, nagsugo sila ng mga mensahero sa hari ng Edom upang hilinging payagan silang dumaan sa lupain ng mga ito, pero hindi sila pinayagan. Ganito rin ang ginawa ng hari ng Moab sa kanila. Kaya nagpaiwan na lang sila sa Kades.