Mga Hukom 11

Kaya lumayo si Jefta sa kanila at tumira sa Tob, kung saan sumáma sa kanya ang isang grupo ng mga taong palaboy-laboy.

Judges 11:3 (UKJV) Then Jephthah fled from his brethren, and dwelt in the land of Tob: and there were gathered vain men to Jephthah, and went out with him.

1Si Jefta na taga-Gilead ay isang magiting na sundalo. Si Gilead ang kanyang ama at ang kanyang ina ay isang babaeng bayaran.

2May mga anak si Gilead sa asawa niya, at noong malalaki na sila, pinalayas nila si Jefta. Sinabi nila, “Wala kang mamanahin sa aming ama, dahil anak ka sa ibang babae.”

3Kaya lumayo si Jefta sa kanila at tumira sa Tob, kung saan sumáma sa kanya ang isang grupo ng mga taong palaboy-laboy.

4Dumating ang panahon na naglaban ang mga Amonita at mga Israelita.

5Dahil dito, pinuntahan ng mga tagapamahala ng Gilead si Jefta roon sa Tob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.