Mga Hukom 11

Si Jefta na taga-Gilead ay isang magiting na sundalo. Si Gilead ang kanyang ama at ang kanyang ina ay isang babaeng bayaran.

Judges 11:1 (UKJV) Now Jephthah the Gileadite was a mighty man of valour, and he was the son of an harlot: and Gilead brings forth Jephthah.

1Si Jefta na taga-Gilead ay isang magiting na sundalo. Si Gilead ang kanyang ama at ang kanyang ina ay isang babaeng bayaran.

2May mga anak si Gilead sa asawa niya, at noong malalaki na sila, pinalayas nila si Jefta. Sinabi nila, “Wala kang mamanahin sa aming ama, dahil anak ka sa ibang babae.”

3Kaya lumayo si Jefta sa kanila at tumira sa Tob, kung saan sumáma sa kanya ang isang grupo ng mga taong palaboy-laboy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.