Mga Hukom 11

Sumagot ang anak ni Jefta, “Ama, nangako po kayo sa Panginoon, kaya tuparin nʼyo po iyon, dahil pinagtagumpay kayo ng Panginoon sa mga kalaban nʼyong mga Amonita.

Judges 11:36 (UKJV) And she said unto him, My father, if you have opened your mouth unto the LORD, do to me according to that which has proceeded out of your mouth; forasmuch as the LORD has taken vengeance for you of yours enemies, even of the children of Ammon.

34Nang umuwi si Jefta sa Mizpa, sinalubong siya ng anak niyang babae na sumasayaw habang tumutugtog ng tamburin. Siya ang nag-iisang anak ni Jefta.

35Nang makita siya ni Jefta, pinunit niya ang kanyang damit, at sinabi, “Anak ko, dinurog mo ang puso ko. Ang sakit naman nito! Sapagkat nangako ako sa Panginoon, at hindi ko na ito mababawi pa.”

36Sumagot ang anak ni Jefta, “Ama, nangako po kayo sa Panginoon, kaya tuparin nʼyo po iyon, dahil pinagtagumpay kayo ng Panginoon sa mga kalaban nʼyong mga Amonita.

37Ngunit may isang bagay lang akong hihilingin sa inyo: payagan nʼyo po akong mag-ikot-ikot ng dalawang buwan sa bundok upang makapaghinagpis kasama ng mga kaibigan ko, dahil mamamatay na ako at hindi na makakapag-asawa.”

38Pinayagan siya ni Jefta. Kaya sa loob ng dalawang buwan, nag-ikot siya sa bundok kasama ng mga kaibigan niya upang maghinagpis, dahil mamamatay na siya at hindi na makakapag-asawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.