9Pinakinggan ng Diyos ang panalangin ni Manoa. Muling nagpakita ang anghel ng Diyos sa asawa ni Manoa habang nakaupo siyang nag-iisa sa bukid.
10Mabilis niyang hinanap ang asawa niya at sinabi, “Manoa, halika! Narito ang tao na nagpakita sa akin noong isang araw.”
11Tumayo si Manoa at sumunod sa kanyang asawa. Pagkakita niya sa tao, tinanong niya, “Kayo ba ang nakipag-usap sa asawa ko?” Sumagot siya, “Oo.”
12Nagtanong si Manoa sa kanya, “Kung matutupad ang sinabi nʼyo, ano po ba ang mga dapat sundin ng batang ito patungkol sa kanyang pamumuhay at sa kanyang gawain?”
13Sumagot ang anghel ng Panginoon, “Kailangang sundin ng asawa mo ang lahat ng sinabi ko sa kanya.