Mga Hukom 13

Ngunit sumagot ang kanyang asawa, “Kung gusto ng Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang mga handog natin. Hindi rin sana niya ipinakita sa atin ang himala o sinabi sa atin ang tungkol sa sanggol.”

Judges 13:23 (UKJV) But his wife said unto him, If the LORD were pleased to kill us, he would not have received a burnt offering and a food offering at our hands, neither would he have showed us all these things, nor would as at this time have told us such things as these.

21Hindi na muling nagpakita ang anghel ng Panginoon sa kanila. Doon napagtanto ni Manoa na anghel ng Panginoon pala iyon.

22Sinabi ni Manoa sa kanyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo dahil nakita natin ang Diyos.”

23Ngunit sumagot ang kanyang asawa, “Kung gusto ng Panginoon na patayin tayo, hindi sana niya tinanggap ang mga handog natin. Hindi rin sana niya ipinakita sa atin ang himala o sinabi sa atin ang tungkol sa sanggol.”

24Dumating ang panahon na nanganak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang anak niya at pinangalanan nila siyang Samson. Pinagpala ng Panginoon ang sanggol habang lumalaki.

25Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsimulang kumilos sa kanya habang naroon siya sa Mahane Dan, sa kalagitnaan ng Zora at Estaol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.