Mga Hukom 13

Isang araw, nagpakita ang anghel ng Panginoon sa asawa ni Manoa at nagsabi, “Hanggang ngayon ay wala ka pang anak. Ngunit hindi magtatagal, magbubuntis ka at manganganak ng isang lalaki.

Judges 13:3 (UKJV) And the angel of the LORD appeared unto the woman, and said unto her, Behold now, you are barren, and bear not: but you shall conceive, and bear a son.

1Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon, kaya ipinasakop sila ng Panginoon sa mga Filisteo sa loob ng apatnapung taon.

2Noong panahong iyon, may isang lalaki na ang pangalan ay Manoa. Kabilang siya sa lahi ni Dan, at nakatira siya sa Zora. Ang asawa niya ay baog kaya wala silang anak.

3Isang araw, nagpakita ang anghel ng Panginoon sa asawa ni Manoa at nagsabi, “Hanggang ngayon ay wala ka pang anak. Ngunit hindi magtatagal, magbubuntis ka at manganganak ng isang lalaki.

4Mula ngayon, siguraduhin mong hindi ka na iinom ng alak o anumang uri ng inuming nakakalasing, o kakain ng anumang pagkain na itinuturing na marumi.

5Mabubuntis ka at manganganak ng isang lalaki. Huwag mong gugupitan ang buhok niya sapagkat sa sinapupunan pa lamang ay itatalaga na siya sa Diyos bilang isang Nazareo. Sisimulan niya ang pagligtas sa Israel sa mga Filisteo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.