10Pumunta ang ama ni Samson sa bahay ng magiging manugang niya. At doon ay nagpapiging si Samson ayon sa kaugalian ng mga binata.
11Nang makita ng mga tao si Samson, binigyan nila siya ng tatlumpung binatang lalaki upang samahan siya.
12Sinabi ni Samson sa kanila, “May bugtong ako sa inyo. Kung mahuhulaan nʼyo ito bago matapos ang pitong araw na piging, bibigyan ko kayo ng tatlumpung telang lino at tatlumpung mamahaling damit.
13Ngunit kapag hindi nʼyo ito nahulaan, kayo ang magbibigay sa akin ng mga ito.” Sumagot sila, “Sige, sabihin mo sa amin ang bugtong mo.”
14Sinabi ni Samson, “Mula sa nangangain, lumabas ang pagkain, at mula sa malakas, matamis ay lumabas.” Lumipas ang tatlong araw pero hindi nila ito mahulaan.