Mga Hukom 15

Kaya buong lakas na nilusob ni Samson ang mga Filisteo at marami ang napatay niya. Pagkatapos, tumakas siya at nagtago sa kuweba, sa may bangin ng Etam.

Judges 15:8 (UKJV) And he stroke them hip and thigh with a great slaughter: and he went down and dwelt in the top of the rock Etam.

6Nagtanong ang mga Filisteo kung sino ang gumawa noon, at nalaman nilang si Samson. Nalaman din nilang ginawa iyon ni Samson dahil ipinakasal ng biyenan niyang taga-Timna ang asawa niya sa isa niyang kaibigan. Kaya hinanap ng mga Filisteo ang babae at ang kanyang ama at sinunog nila.

7Sinabi ni Samson sa mga Filisteo, “Dahil sa ginawa nʼyong ito, hindi ako titigil hanggaʼt hindi ako nakakapaghiganti sa inyo.”

8Kaya buong lakas na nilusob ni Samson ang mga Filisteo at marami ang napatay niya. Pagkatapos, tumakas siya at nagtago sa kuweba, sa may bangin ng Etam.

9Nagkampo ang mga Filisteo sa Juda, at nilusob nila ang bayan ng Lehi.

10Kaya nagtanong sa kanila ang mga taga-Juda, “Bakit nilulusob nʼyo kami?” Sumagot sila, “Para dakpin si Samson at gantihan sa mga ginawa niya sa amin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.