Mga Hukom 16

Sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Pagbangon ni Samson akala niyaʼy makakawala pa rin siya tulad ng ginagawa niya noon. Ngunit hindi niya alam na iniwan na siya ng Panginoon.

Judges 16:20 (UKJV) And she said, The Philistines be upon you, Samson. And he awoke out of his sleep, and said, I will go out as at other times before, and shake myself. And he knows not that the LORD was departed from him.

18Naramdaman ni Delaila na nagsasabi si Samson ng totoo. Kaya nagpautos siya na sabihin sa mga pinuno ng mga Filisteo na bumalik dahil nagtapat na sa kanya si Samson. Kaya bumalik ang mga pinuno, dala ang perang ibabayad kay Delaila.

19Pinatulog ni Delaila si Samson sa hita niya, at nang makatulog na ito, tumawag siya ng isang tao upang gupitin ang pitong tirintas ng buhok ni Samson. Kaya nanghina si Samson, at ipinadakip siya ni Delaila.

20Sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Pagbangon ni Samson akala niyaʼy makakawala pa rin siya tulad ng ginagawa niya noon. Ngunit hindi niya alam na iniwan na siya ng Panginoon.

21Dinakip siya ng mga Filisteo at dinukit ang kanyang mga mata. Pagkatapos, dinala siya sa Gaza at kinadenahan ng tanso. Pinagtrabaho nila siya sa loob ng bilangguan bilang tagagiling ng trigo.

22Ngunit unti-unting tumubo ulit ang kanyang buhok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.