20Sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Pagbangon ni Samson akala niyaʼy makakawala pa rin siya tulad ng ginagawa niya noon. Ngunit hindi niya alam na iniwan na siya ng Panginoon.
21Dinakip siya ng mga Filisteo at dinukit ang kanyang mga mata. Pagkatapos, dinala siya sa Gaza at kinadenahan ng tanso. Pinagtrabaho nila siya sa loob ng bilangguan bilang tagagiling ng trigo.
22Ngunit unti-unting tumubo ulit ang kanyang buhok.
23Muling nagkatipon ang mga pinuno ng mga Filisteo upang magdiwang at mag-alay ng maraming handog sa kanilang diyos na si Dagon. Sa pagdiriwang nila ay nag-aawitan sila: “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin laban sa kalaban nating si Samson.”
24Nang makita ng mga tao si Samson, pinuri nila ang kanilang diyos. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin sa ating kalaban na nangwasak sa lupain natin at pumatay ng marami sa atin.”