Mga Hukom 16

Nang makita ng mga tao si Samson, pinuri nila ang kanilang diyos. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin sa ating kalaban na nangwasak sa lupain natin at pumatay ng marami sa atin.”

Judges 16:24 (UKJV) And when the people saw him, they praised their god: for they said, Our god has delivered into our hands our enemy, and the destroyer of our country, which slew many of us.

22Ngunit unti-unting tumubo ulit ang kanyang buhok.

23Muling nagkatipon ang mga pinuno ng mga Filisteo upang magdiwang at mag-alay ng maraming handog sa kanilang diyos na si Dagon. Sa pagdiriwang nila ay nag-aawitan sila: “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin laban sa kalaban nating si Samson.”

24Nang makita ng mga tao si Samson, pinuri nila ang kanilang diyos. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin sa ating kalaban na nangwasak sa lupain natin at pumatay ng marami sa atin.”

25Labis ang kanilang kasiyahan at nagsigawan sila, “Dalhin dito si Samson upang magbigay aliw sa atin!” Kaya pinalabas nila si Samson sa bilangguan at ginawa siyang katatawanan. At noong pinatayo siya sa gitna ng dalawang haligi,

26sinabi ni Samson sa utusan na nag-aakay sa kanya, “Pahawakin mo ako sa haligi ng templong ito upang makasandal ako.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.