Mga Hukom 16

Labis ang kanilang kasiyahan at nagsigawan sila, “Dalhin dito si Samson upang magbigay aliw sa atin!” Kaya pinalabas nila si Samson sa bilangguan at ginawa siyang katatawanan. At noong pinatayo siya sa gitna ng dalawang haligi,

Judges 16:25 (UKJV) And it came to pass, when their hearts were merry, that they said, Call for Samson, that he may make us sport. And they called for Samson out of the prison house; and he made them sport: and they set him between the pillars.

23Muling nagkatipon ang mga pinuno ng mga Filisteo upang magdiwang at mag-alay ng maraming handog sa kanilang diyos na si Dagon. Sa pagdiriwang nila ay nag-aawitan sila: “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin laban sa kalaban nating si Samson.”

24Nang makita ng mga tao si Samson, pinuri nila ang kanilang diyos. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin sa ating kalaban na nangwasak sa lupain natin at pumatay ng marami sa atin.”

25Labis ang kanilang kasiyahan at nagsigawan sila, “Dalhin dito si Samson upang magbigay aliw sa atin!” Kaya pinalabas nila si Samson sa bilangguan at ginawa siyang katatawanan. At noong pinatayo siya sa gitna ng dalawang haligi,

26sinabi ni Samson sa utusan na nag-aakay sa kanya, “Pahawakin mo ako sa haligi ng templong ito upang makasandal ako.”

27Siksikan ang mga tao sa templo. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo. Sa bubungan ay may tatlong libong tao, lalaki at babae. Nagkakasayahan silang nanonood kay Samson.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.