Mga Hukom 16

sinabi ni Samson sa utusan na nag-aakay sa kanya, “Pahawakin mo ako sa haligi ng templong ito upang makasandal ako.”

Judges 16:26 (UKJV) And Samson said unto the lad that held him by the hand, Suffer me that I may feel the pillars whereupon the house stands, that I may lean upon them.

24Nang makita ng mga tao si Samson, pinuri nila ang kanilang diyos. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin sa ating kalaban na nangwasak sa lupain natin at pumatay ng marami sa atin.”

25Labis ang kanilang kasiyahan at nagsigawan sila, “Dalhin dito si Samson upang magbigay aliw sa atin!” Kaya pinalabas nila si Samson sa bilangguan at ginawa siyang katatawanan. At noong pinatayo siya sa gitna ng dalawang haligi,

26sinabi ni Samson sa utusan na nag-aakay sa kanya, “Pahawakin mo ako sa haligi ng templong ito upang makasandal ako.”

27Siksikan ang mga tao sa templo. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo. Sa bubungan ay may tatlong libong tao, lalaki at babae. Nagkakasayahan silang nanonood kay Samson.

28Nanalangin si Samson, “O Makapangyarihang Panginoon, alalahanin nʼyo po ako. Kung maaari, ibalik nʼyo po ang lakas ko kahit minsan pa upang makaganti po ako sa mga Filisteo sa pagdukot nila sa mga mata ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.