Mga Hukom 16

Siksikan ang mga tao sa templo. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo. Sa bubungan ay may tatlong libong tao, lalaki at babae. Nagkakasayahan silang nanonood kay Samson.

Judges 16:27 (UKJV) Now the house was full of men and women; and all the lords of the Philistines were there; and there were upon the roof about three thousand men and women, that beheld while Samson made sport.

25Labis ang kanilang kasiyahan at nagsigawan sila, “Dalhin dito si Samson upang magbigay aliw sa atin!” Kaya pinalabas nila si Samson sa bilangguan at ginawa siyang katatawanan. At noong pinatayo siya sa gitna ng dalawang haligi,

26sinabi ni Samson sa utusan na nag-aakay sa kanya, “Pahawakin mo ako sa haligi ng templong ito upang makasandal ako.”

27Siksikan ang mga tao sa templo. Naroon ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo. Sa bubungan ay may tatlong libong tao, lalaki at babae. Nagkakasayahan silang nanonood kay Samson.

28Nanalangin si Samson, “O Makapangyarihang Panginoon, alalahanin nʼyo po ako. Kung maaari, ibalik nʼyo po ang lakas ko kahit minsan pa upang makaganti po ako sa mga Filisteo sa pagdukot nila sa mga mata ko.”

29Kumapit si Samson sa dalawang haliging nasa gitna ng templo na nakatukod sa bubungan nito. Ang kanan niyang kamay ay nasa isang haligi at ang kaliwa naman ay nasa kabilang haligi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.