Mga Hukom 16

Muling nagkatipon ang mga pinuno ng mga Filisteo upang magdiwang at mag-alay ng maraming handog sa kanilang diyos na si Dagon. Sa pagdiriwang nila ay nag-aawitan sila: “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin laban sa kalaban nating si Samson.”

Judges 16:23 (UKJV) Then the lords of the Philistines gathered them together in order to offer a great sacrifice unto Dagon their god, and to rejoice: for they said, Our god has delivered Samson our enemy into our hand.

21Dinakip siya ng mga Filisteo at dinukit ang kanyang mga mata. Pagkatapos, dinala siya sa Gaza at kinadenahan ng tanso. Pinagtrabaho nila siya sa loob ng bilangguan bilang tagagiling ng trigo.

22Ngunit unti-unting tumubo ulit ang kanyang buhok.

23Muling nagkatipon ang mga pinuno ng mga Filisteo upang magdiwang at mag-alay ng maraming handog sa kanilang diyos na si Dagon. Sa pagdiriwang nila ay nag-aawitan sila: “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin laban sa kalaban nating si Samson.”

24Nang makita ng mga tao si Samson, pinuri nila ang kanilang diyos. Sinabi nila, “Pinagtagumpay tayo ng diyos natin sa ating kalaban na nangwasak sa lupain natin at pumatay ng marami sa atin.”

25Labis ang kanilang kasiyahan at nagsigawan sila, “Dalhin dito si Samson upang magbigay aliw sa atin!” Kaya pinalabas nila si Samson sa bilangguan at ginawa siyang katatawanan. At noong pinatayo siya sa gitna ng dalawang haligi,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.