1May isang lalaking nakatira sa kaburulan ng Efraim na ang pangalan ay Micas.
2Isang araw, sinabi niya sa kanyang ina, “Narinig ko pong isinumpa nʼyo ang kumuha ng inyong isang libo at isang daang pirasong pilak. Narito ang pilak, ako po ang kumuha.” Sinabi ng kanyang ina, “Anak, pagpalain ka sana ng Panginoon.”
3Ibinalik ni Micas ang isang libo at isang daang pirasong pilak sa kanyang ina, at sinabi ng kanyang ina, “Inihahandog ko itong pilak sa Panginoon para sa kapakanan ng aking anak. Gagamitin ko ito para magpagawa ng mga imahen ng diyos-diyosan na yari sa kahoy at bakal. Kaya ibinabalik ko itong pilak saʼyo.”
4Pagkatapos, kumuha siya ng dalawandaang piraso ng pilak at ibinigay sa platero. Ginamit ito ng platero para gumawa ng mga imaheng yari sa kahoy at bakal. Nang natapos na, inilagay niya ang mga ito sa bahay ni Micas.