Mga Hukom 17

Pagkatapos, kumuha siya ng dalawandaang piraso ng pilak at ibinigay sa platero. Ginamit ito ng platero para gumawa ng mga imaheng yari sa kahoy at bakal. Nang natapos na, inilagay niya ang mga ito sa bahay ni Micas.

Judges 17:4 (UKJV) Yet he restored the money unto his mother; and his mother took two hundred shekels of silver, and gave them to the founder, who made thereof a graven image and a molten image: and they were in the house of Micah.

2Isang araw, sinabi niya sa kanyang ina, “Narinig ko pong isinumpa nʼyo ang kumuha ng inyong isang libo at isang daang pirasong pilak. Narito ang pilak, ako po ang kumuha.” Sinabi ng kanyang ina, “Anak, pagpalain ka sana ng Panginoon.”

3Ibinalik ni Micas ang isang libo at isang daang pirasong pilak sa kanyang ina, at sinabi ng kanyang ina, “Inihahandog ko itong pilak sa Panginoon para sa kapakanan ng aking anak. Gagamitin ko ito para magpagawa ng mga imahen ng diyos-diyosan na yari sa kahoy at bakal. Kaya ibinabalik ko itong pilak saʼyo.”

4Pagkatapos, kumuha siya ng dalawandaang piraso ng pilak at ibinigay sa platero. Ginamit ito ng platero para gumawa ng mga imaheng yari sa kahoy at bakal. Nang natapos na, inilagay niya ang mga ito sa bahay ni Micas.

5May sariling sambahan si Micas at nagpagawa siya ng efod at mga diyos-diyosan. At ginawa niyang pari ang isa sa mga anak niyang lalaki.

6Nang panahong iyon, walang hari sa Israel, kaya ang bawat isa ay gumagawa ng kahit anong gusto nilang gawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.