Mga Hukom 18

Walang tumulong sa mga taga-Lais dahil malayo sila sa Sidon at wala silang kakamping bansa. Ang lugar na itoʼy malapit sa lambak ng Bet-rehob. Ipinatayong muli ng mga lahi ni Dan ang lungsod at tinirhan nila ito.

Judges 18:28 (UKJV) And there was no deliverer, because it was far from Zidon, and they had no business with any man; and it was in the valley that lies by Bethrehob. And they built a city, and dwelt therein.

26At nagpatuloy sila sa paglalakbay. Nakita ni Micas na hindi niya sila makakaya, kaya umuwi na lang siya.

27Pumunta ang mga kalahi ni Dan sa Lais dala ang mga diyos-diyosan ni Micas pati ang pari niya. Mapayapang lugar ang Lais, at panatag ang loob ng mga mamamayan doon na walang mangyayari sa kanila. Nilusob ng mga angkan ni Dan ang Lais, pinatay ang mga tao, at sinunog ang lungsod.

28Walang tumulong sa mga taga-Lais dahil malayo sila sa Sidon at wala silang kakamping bansa. Ang lugar na itoʼy malapit sa lambak ng Bet-rehob. Ipinatayong muli ng mga lahi ni Dan ang lungsod at tinirhan nila ito.

29Pinalitan nila ng Dan ang pangalan nitong Lais, ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan, na isa sa mga anak ni Jacob.

30Ipinatayo nila roon ang imahen ng diyos-diyosan para sambahin nila. Si Jonatan na anak ni Gerson at apo ni Moises kasama ang kanyang mga anak ang naglingkod bilang mga pari ng lahi ni Dan hanggang sa pagkabihag ng mga taga-Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.