28Walang tumulong sa mga taga-Lais dahil malayo sila sa Sidon at wala silang kakamping bansa. Ang lugar na itoʼy malapit sa lambak ng Bet-rehob. Ipinatayong muli ng mga lahi ni Dan ang lungsod at tinirhan nila ito.
29Pinalitan nila ng Dan ang pangalan nitong Lais, ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan, na isa sa mga anak ni Jacob.
30Ipinatayo nila roon ang imahen ng diyos-diyosan para sambahin nila. Si Jonatan na anak ni Gerson at apo ni Moises kasama ang kanyang mga anak ang naglingkod bilang mga pari ng lahi ni Dan hanggang sa pagkabihag ng mga taga-Israel.
31At habang ang Tabernakulo ng Diyos ay naroon pa sa Silo, ang diyos-diyosan ni Micas ay patuloy na sinasamba sa Dan.