14Kaya nagpatuloy sila sa paglalakbay. Mag-aagaw dilim na nang dumating sila sa Gibea na sakop ng lahi ni Benjamin.
15Pumasok sila sa lungsod at naupo sa plasa, pero walang nag-alok sa kanila ng matutulugan.
16Nang madilim na, may isang matandang lalaki na pauwi galing sa kanyang bukirin. Ang matandang itoʼy nakatira dati sa kaburulan ng Efraim, pero ngayon ay nakatira na sa Gibea na sakop ng teritoryo ng lahi ni Benjamin.
17Nang makita ng matanda ang manlalakbay sa plasa, nilapitan niya ang mga ito at tinanong, “Taga-saan kayo? At saan kayo pupunta?”
18Sumagot ang Levita, “Galing kami sa Bethlehem na sakop ng Juda at papunta sa liblib na lugar sa kaburulan ng Efraim kung saan ako nanggaling. Nagpunta ako sa Bethlem at ngayoʼy patungo sa bahay ng Panginoon. Walang nag-alok sa amin na tumuloy sa bahay niya.