Mga Hukom 19

Kaya nagpatuloy sila sa paglalakbay. Mag-aagaw dilim na nang dumating sila sa Gibea na sakop ng lahi ni Benjamin.

Judges 19:14 (UKJV) And they passed on and went their way; and the sun went down upon them when they were by Gibeah, which belongs to Benjamin.

12Sumagot ang Levita, “Hindi tayo maaaring matulog dito sa lugar na hindi sakop ng mga Israelita. Tutuloy tayo sa Gibea.

13Tayo na, sikapin nating makarating sa Gibea o sa Rama, at doon tayo matutulog.”

14Kaya nagpatuloy sila sa paglalakbay. Mag-aagaw dilim na nang dumating sila sa Gibea na sakop ng lahi ni Benjamin.

15Pumasok sila sa lungsod at naupo sa plasa, pero walang nag-alok sa kanila ng matutulugan.

16Nang madilim na, may isang matandang lalaki na pauwi galing sa kanyang bukirin. Ang matandang itoʼy nakatira dati sa kaburulan ng Efraim, pero ngayon ay nakatira na sa Gibea na sakop ng teritoryo ng lahi ni Benjamin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.