Mga Hukom 19

Sumagot ang Levita, “Hindi tayo maaaring matulog dito sa lugar na hindi sakop ng mga Israelita. Tutuloy tayo sa Gibea.

Judges 19:12 (UKJV) And his master said unto him, We will not turn aside here into the city of a stranger, that is not of the children of Israel; we will pass over to Gibeah.

10Ngunit hindi na pumayag ang Levita, sa halip, umalis siya at ang asawa niya, kasama ang utusan at ang dalawang asno patungong Jebus (na siyang Jerusalem ngayon).

11Papalubog na ang araw nang dumating sila malapit sa Jebus. Kaya sinabi ng utusan ng Levita, “Mabuti po siguroʼy dito na lang tayo matulog sa lungsod na ito ng mga Jebuseo.”

12Sumagot ang Levita, “Hindi tayo maaaring matulog dito sa lugar na hindi sakop ng mga Israelita. Tutuloy tayo sa Gibea.

13Tayo na, sikapin nating makarating sa Gibea o sa Rama, at doon tayo matutulog.”

14Kaya nagpatuloy sila sa paglalakbay. Mag-aagaw dilim na nang dumating sila sa Gibea na sakop ng lahi ni Benjamin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.