Mga Hukom 19

Ngunit hindi na pumayag ang Levita, sa halip, umalis siya at ang asawa niya, kasama ang utusan at ang dalawang asno patungong Jebus (na siyang Jerusalem ngayon).

Judges 19:10 (UKJV) But the man would not tarry that night, but he rose up and departed, and came opposite to Jebus, which is Jerusalem; and there were with him two asses saddled, his concubine also was with him.

8Kinaumagahan, nakahanda na silang umalis, pero sinabi na naman ng ama ng babae, “Kumain muna kayo at mamayang hapon na lang kayo umalis.” Kaya kumain muna sila.

9Nang aalis na ang Levita, ang asawa niya, at ang kanyang utusan, sinabi ng ama ng babae, “Hapon na at maya-maya ay madilim na. Mabuti pa rito na lang kayo muling matulog. Magsaya muna kayo rito at maaga na lang kayong umalis bukas.”

10Ngunit hindi na pumayag ang Levita, sa halip, umalis siya at ang asawa niya, kasama ang utusan at ang dalawang asno patungong Jebus (na siyang Jerusalem ngayon).

11Papalubog na ang araw nang dumating sila malapit sa Jebus. Kaya sinabi ng utusan ng Levita, “Mabuti po siguroʼy dito na lang tayo matulog sa lungsod na ito ng mga Jebuseo.”

12Sumagot ang Levita, “Hindi tayo maaaring matulog dito sa lugar na hindi sakop ng mga Israelita. Tutuloy tayo sa Gibea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.