Mga Hukom 19

Nang aalis na ang Levita, ang asawa niya, at ang kanyang utusan, sinabi ng ama ng babae, “Hapon na at maya-maya ay madilim na. Mabuti pa rito na lang kayo muling matulog. Magsaya muna kayo rito at maaga na lang kayong umalis bukas.”

Judges 19:9 (UKJV) And when the man rose up to depart, he, and his concubine, and his servant, his father in law, the damsel's father, said unto him, Behold, now the day draws toward evening, I pray you tarry all night: behold, the day grows to an end, lodge here, that yours heart may be merry; and tomorrow get you early on your way, that you may go home.

7Hindi sana siya papayag pero pinilit siya ng biyenang lalaki, kaya nanatili na lang sila.

8Kinaumagahan, nakahanda na silang umalis, pero sinabi na naman ng ama ng babae, “Kumain muna kayo at mamayang hapon na lang kayo umalis.” Kaya kumain muna sila.

9Nang aalis na ang Levita, ang asawa niya, at ang kanyang utusan, sinabi ng ama ng babae, “Hapon na at maya-maya ay madilim na. Mabuti pa rito na lang kayo muling matulog. Magsaya muna kayo rito at maaga na lang kayong umalis bukas.”

10Ngunit hindi na pumayag ang Levita, sa halip, umalis siya at ang asawa niya, kasama ang utusan at ang dalawang asno patungong Jebus (na siyang Jerusalem ngayon).

11Papalubog na ang araw nang dumating sila malapit sa Jebus. Kaya sinabi ng utusan ng Levita, “Mabuti po siguroʼy dito na lang tayo matulog sa lungsod na ito ng mga Jebuseo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.