Mga Hukom 19

Papalubog na ang araw nang dumating sila malapit sa Jebus. Kaya sinabi ng utusan ng Levita, “Mabuti po siguroʼy dito na lang tayo matulog sa lungsod na ito ng mga Jebuseo.”

Judges 19:11 (UKJV) And when they were by Jebus, the day was far spent; and the servant said unto his master, Come, I pray you, and let us turn in into this city of the Jebusites, and lodge in it.

9Nang aalis na ang Levita, ang asawa niya, at ang kanyang utusan, sinabi ng ama ng babae, “Hapon na at maya-maya ay madilim na. Mabuti pa rito na lang kayo muling matulog. Magsaya muna kayo rito at maaga na lang kayong umalis bukas.”

10Ngunit hindi na pumayag ang Levita, sa halip, umalis siya at ang asawa niya, kasama ang utusan at ang dalawang asno patungong Jebus (na siyang Jerusalem ngayon).

11Papalubog na ang araw nang dumating sila malapit sa Jebus. Kaya sinabi ng utusan ng Levita, “Mabuti po siguroʼy dito na lang tayo matulog sa lungsod na ito ng mga Jebuseo.”

12Sumagot ang Levita, “Hindi tayo maaaring matulog dito sa lugar na hindi sakop ng mga Israelita. Tutuloy tayo sa Gibea.

13Tayo na, sikapin nating makarating sa Gibea o sa Rama, at doon tayo matutulog.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.