Mga Hukom 20

Bago makipaglaban, pumunta ang mga Israelita sa Betel at nagtanong sa Diyos. Sabi nila, “Sino sa amin ang unang lulusob sa mga taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Ang lahi ni Juda.”

Judges 20:18 (UKJV) And the children of Israel arose, and went up to the house of God, and asked counsel of God, and said, Which of us shall go up first to the battle against the children of Benjamin? And the LORD said, Judah shall go up first.

16Kabilang sa mga piling sundalo na taga-Gibea ang pitong raang taong ito na puro kaliwete at kayang-kayang patamaan ng tirador kahit hibla ng buhok.

17Ang mga Israelita naman, maliban sa angkan ni Benjamin, ay nakapagtipon ng apatnaraang libong sundalong mahuhusay sa pakikipaglaban.

18Bago makipaglaban, pumunta ang mga Israelita sa Betel at nagtanong sa Diyos. Sabi nila, “Sino sa amin ang unang lulusob sa mga taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Ang lahi ni Juda.”

19Kaya nang sumunod na araw, maagang nagkampo ang mga Israelita malapit sa Gibea.

20At pumunta sila sa Gibea. Pagdating doon, pumuwesto na ang mga Israelita upang makipaglaban sa lahi ni Benjamin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.