Mga Hukom 20

Kabilang sa mga piling sundalo na taga-Gibea ang pitong raang taong ito na puro kaliwete at kayang-kayang patamaan ng tirador kahit hibla ng buhok.

Judges 20:16 (UKJV) Among all this people there were seven hundred chosen men lefthanded; every one could sling stones at an hair breadth, and not miss.

14Sa halip, lumabas sila sa mga bayan nila at nagtipon sa Gibea upang makipaglaban sa mga kapwa nila Israelita.

15Nang araw na iyon, nakapagtipon ang mga taga-Benjamin ng dalawampuʼt anim na libong sundalo hindi pa kasama rito ang pitong raang piling sundalo na taga-Gibea.

16Kabilang sa mga piling sundalo na taga-Gibea ang pitong raang taong ito na puro kaliwete at kayang-kayang patamaan ng tirador kahit hibla ng buhok.

17Ang mga Israelita naman, maliban sa angkan ni Benjamin, ay nakapagtipon ng apatnaraang libong sundalong mahuhusay sa pakikipaglaban.

18Bago makipaglaban, pumunta ang mga Israelita sa Betel at nagtanong sa Diyos. Sabi nila, “Sino sa amin ang unang lulusob sa mga taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Ang lahi ni Juda.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.