15Nang araw na iyon, nakapagtipon ang mga taga-Benjamin ng dalawampuʼt anim na libong sundalo hindi pa kasama rito ang pitong raang piling sundalo na taga-Gibea.
16Kabilang sa mga piling sundalo na taga-Gibea ang pitong raang taong ito na puro kaliwete at kayang-kayang patamaan ng tirador kahit hibla ng buhok.
17Ang mga Israelita naman, maliban sa angkan ni Benjamin, ay nakapagtipon ng apatnaraang libong sundalong mahuhusay sa pakikipaglaban.
18Bago makipaglaban, pumunta ang mga Israelita sa Betel at nagtanong sa Diyos. Sabi nila, “Sino sa amin ang unang lulusob sa mga taga-Benjamin?” Sumagot ang Panginoon, “Ang lahi ni Juda.”
19Kaya nang sumunod na araw, maagang nagkampo ang mga Israelita malapit sa Gibea.